140

Feb 1, 2020 @ 21:36
By

Aso na marunong mag-commute kinagiliwan ng mga netizen

Pinusuan ng mga netizen ang labrador na si Eclipse dahil sa pagiging independent nito.

Ayon sa boredpanda.com, araw-araw umaalis ng bahay si Eclipse at sumasakay ng bus para magtungo sa dog park upang mag-ehersisyo at makipagkulitan sa mga tao.

Matapos ay mag-isa uli itong uuwi ng bahay sakay ng bus sa Seattle, US.

May sarili na nga siyang bus pass na nakalagay sa kanyang collar.

Nagsimula raw ang pagiging independent ni Eclipse nang mainip ang aso matapos matagalan ang kanyang amo na si Jeff Young at dumating na ang bus. Mag-isa siyang sumakay sa bus.

Kilala si Eclipse ng bus driver kaya ibinaba siya sa dog park. Mula noon ay hinayaan na raw ni Jeff ang paggagala ng kanyang aso dahil tiwala siyang babalik naman ito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?