42

By

Aso iniligtas ang isang pamilya sa sunog

Nailigtas sa tiyak na kapahamakan ang isang pamilya dahil sa babala ng kanilang aso.

Sumiklab ang apoy sa bahay ng mga amo ng 6 year old black Labrador na si Maggie sa California, USA hatinggabi ng Oktubre 21 habang mahimbing na natutulog ang mga ito, ayon sa Facebook post ng Vacaville Police Department.

Nang mapansin ni Maggie ang apoy, nagsimula siyang mag-ingay gaya ng pagtakbo, pagkahol at pag-ungol para magising ang kanyang mga amo.

Dahil dito, nagising ang nanay ng pamilya at sa tulong ni Maggie, isa-isang nakalabas ang apat na miyembro ng pamilya bago pa man natupok ang bahay.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?