123

Feb 1, 2020 @ 17:51
By

ASF umatake sa Mindanao: 1,000 baboy patay

Nakarating na sa Mindanao ang African Swine Fever (ASF), ilang buwan matapos ideklara ang outbreak sa Luzon.

Kinumpirma ng municipal government ng Don Marcelino, Davao Occidental na nasa 1,000 baboy ang namatay sa walong barangay dahil sa swine fever.

Dahil dito, pinag-utos na ni Don Marcelino Mayor Michael Maruya ang animal quarantine checkpoints sa loob ng 24/7 bilang temporary lockdown.

Unang nakumpirma ang ASF sa Pilipinas noong Hulyo 2019.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?