423

Asawa ni Mark Villar, umaming nakialam sa DOJ review ng Maynilad, Manila Water contract

Aminadong tumulong si Justice Undersecretary Emmeline Aglipay Villar sa pag-review ng kontrata ng Maynilad at Manila Water, ngunit tinangging makikinabang ang pamilya Villar sa nasabing review.

Saad ni Emmeline, na asawa ni Department of Public Works and Highways Secretary Mark Villar, si DOJ Secretary Menardo Guevarra pa rin ang nanguna sa review ng kontrata ng dalawang water concessionaire.

Ito’y tugon sa naging report ng news site na Politiko na siya ang head ng DOJ review na isa sa mga responsibilidad ng ilan sa mga opisina na kasalukuyan niyang hawak.

Sa ilalim ng DOJ Department Circular 013 na inisyu noong August 1, 2019, inisa-isa ni Guevarra ang mga office na nasa ilalim ng bawat Undersecretary, Chief State Coounsel, Prosecutor General at Assistant Secretary ng kagawaran.

Kabilang sa superbisyon ni Villar ay ang:

– DOJ Legal Staff

– Office of the Solicitor General (OSG)

– Office of the Government Corporate Counsel (OGCC)

– Presidential Commission on Good Government

– Public Attorney’s Office

– Land Registration Authority

– DOJ Legislative Liaison Office

Ang DOJ, OSG at OGCC ang inatasang mag-review ng concession agreement ng Manila Water at Maynilad noong 1997.

Matatandaan na hinayag ni Pangulong Rodrigo Duterte na nais niyang ang mga Villar na ang mag-take over sa water distribution services sa Metro Manila.

Sa ngayon ay sinakop na ng mga Villar ang ibang local district sa ilalim ng Prime Water Infrastracture Corp.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?