149

By

Asawa ng Pangasinan mayor, pinagbabaril ng tandem

Patay ang asawa ni Rosales, Pangasinan Mayor Susan Casareno matapos pagbabarilin ng riding in tandem sa Barangay Carmay nitong Martes ng madaling-araw.

Kinilala ni Rosales Police Station (RPS) commander P/ Maj. John Corpus ang biktima na si Reynaldo Casareno, 56, barangay chairman ng Barangay Tomana East, ng nasabing bayan.

Sa inisyal na imbestigasyon, nangyari ang insidente dakong ala-1:05 ng madaling-araw sa kahabaan ng Barangay Tomana East sa nasabing bayan.

Sa testimonya ni Barangay Casanicolasan chairman Dindo Licudo, biglang tinapatan ng mga suspek si Reynaldo na nakasakay sa motorsiklo at pinagbabaril ito.

Agad na namatay ang biktima dahil sa tinamong mga bala sa kanyang katawan.

Ayon sa mga nakasaksi, agad na tumakas ang mga suspek pagkatapos ng pamamaril sa biktima.

Sa ngayon, hindi muna nagbigay ng komento ang alkalde ng Rosales, Pangasinan hinggil sa pagpaslang sa kanyang asawa.

Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang lokal na pulis hinggil sa insidente.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?