35

By

Arwind iiwas na sa trouble

Nangako si San Miguel forward Arwind Santos na iiwas na sa gulo matapos maalis na ang suspensiyon sa kanya ng koponan at makabalik sa ensayo.

Sa San Miguel Beermen practice nitong Martes, idinitalye ni Santos na magpupursigi pa ito upang makatulong sa koponan para sa PBA All-Filipino Conference sa darating na Marso.

“’Yun ang challenge sa akin for this year, matuto ako. Kailangan mas lalo akong magpursigi dahil ‘yun ‘yung goal namin,” pahayag ni Santos.

“Kaya ito, natuto ako at nangako ako rin na hindi na ‘ko gagawa ng kahit anong mga trouble dito.”

Matatandaan na nasuspinde si Santos, Kelly Nabong at Ronald Tubid matapos ang away na kinakasangkutan rin ni import Dez Wells noong Nobyemre sa practice.

“Hindi naman ito yung magiging backdoor para magwatak-watak kami, tingin ko ano, mas kaya naming patunayan na kahit anong issue dumating sa San Miguel, basta maglalaro kami, magtiwala sa isa’t isa, at maghahanda kami sa bawat game namin, naniniwala akong makukuha pa rin namin,” paliwanag ni Santos.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?