424

Aug 16, 2019 @ 15:23
By

Arwind hindi racist – Joe Devance

Naniniwala si Ginebra veteran Joe Devance na hindi racist gesture ang ginawa ni SMB forward Arwind Santos na panggagaya sa unggoy na patama kay TNT import Terrence Jones.

Ayon kay JDV, immature ang naging gawi ni Arwind at hindi dapat ganun ang inasal lalo na’t sa isang foreign player.

“I honestly don’t think [Arwind Santos] is racist. What he did was a very immature way to express himself and joking or whatever he wants to call it was the wrong way to go about it. Its really about all of us being aware that joking in that way is not right for any race or person,” ayon kay Devance.

Naiintindihan din ni Devance na marahil ay nadala lang ng emosyon si Santos ngunit dapat ay pinag-isipang mabuti ang ginawang pang-aasar.

“I understand being caught in the moment will happen and things are said and done but we should all be better then that and expect more from ourselves. Its all love and peace guys. I truly mean that,” aniya pa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?