4,846

By

Arogante, bully! Pagmumura ni Locsin sa reporter kinondena ng foreign journalists

Naalarma ang Foreign Correspondents Association of the Philippines (FOCAP) sa pagmumura ni Foreign Affairs Secretary Teodoro Locsin Jr. sa reporter ng Philippine Daily Inquirer.

Bilang top diplomat at dati ring mamamahayag, dapat umanong sibilisado ang pananalita ni Locsin at disenteng hinaharap ang anumang isyu sa media at mga sektor.

Ang aksyon ni Locsin ay pagpapakita anila ng pagiging arogante nito at coercion o pambu-bully.

Lahat umano ng uri ng tao, maging reporter man o ordinaryong mamamayan, ay dapat tinatrato nang may dignidad at respeto.

“Secretary Locsin can take up any issue with the media or any sector firmly. But needless to say, he has to speak with civility and within bounds of basic human decency. Anything beyond that is an unacceptable display of arrogance and coercion,” pahayag ng FOCAP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?