325
Abante Online 6:18 PM (6 minutes ago) to me Armida Siguion-Reyna namayapa na
By

Armida Siguion-Reyna namayapa na

Namayapa na ang sikat na actress/singer na si Armida Siguion-Reyna nitong Lunes. Siya ay 88-anyos.

Ang dating Movie and Television Review and Classification Board (MTRCB) chairman ay nakilala sa kanyang mga musical tulad ng award-winning TV show na ‘Aawitin Kita’, ‘Rigoletto’, ‘La Traviata’, at ‘Ang Mestiza’.

Naging isa rin si Siguion-Reyna sa mga nagpabago ng landscape sa Filipino movies, isa sa mga nanguna para mabasura ang film censorship at mahimok ang mga independent filmmakers na maipalabas ang mga mapapangahas na obra abroad.

Ginawaran din ito ng Gawad CCP Award bilang pagkilala sa kanyang mga ambag sa musical theater at film industry.

Siya ay half-sister ng dating senador na si Juan Ponce Enrile.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?