465

By

Arjo nag-post ng larawan kasama si Maine, AlDub fans nabuwisit

Nag-viral agad ang pagpo-post ni Arjo Atayde sa kanyang Facebook ng larawan kung saan kasama niya si Maine Mendoza.

Kamakailan nang aminin ni Arjo na “exclusively dating” na sila ni Menggay.

Humakot agad ito ng mahigit 100 comments at 600 reactions, dalawang oras pa lang ang nakalipas nang i-post ito.

Matalas ang radar ng AlDub fans at agad itong nag-react sa naturang picture.

“Sige na sayo na si Maine pero kingina, pede ba tigilan mo na kakapost ng pic nyo? Mag move-on muna kame pota.”

“NAMBUBUWISIT PA EH. LANGYA!!!!”

“Ngina inlab na inlab ka kay Maine pare ah? Sinasabi ko sayo may Richard na yan oy, move on move on din ha? friends lang kayo diba? Wag mag assume lalo kang masasaktan boy.”

“SAYONG SAYO NA SI MAINE TANGINA. Dibale, si Alden lang naman habol.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?