714

By

Ari ng rapist, pinalapa sa pit bull

Pinakain ng isang gang sa pit bull ang ari ng isang hinihinalang rapist.

Ito ay matapos maakusahan ng sexual assault ang isang lalaki na nasa 30 taong gulang sa Mexico City.

Mapapanood sa video footage kung paano ginawa ng gang ang karumaldumal na pangyayari.

Isang puting pit bull terrier ang unang pumunit at kumain ng pantalon niya saka kinain ang kanyang buong ari.

Tinakpan ng isang gang member ang bibig ng hinihinalang rapist para mapigilan ang paghingi ng tulong.

Isinapubliko ang video upang maging babala umano sa iba pang mang-aatake sa lungsod.

Sa ngayon, hindi pa alam kung ang tao sa video ay nakaligtas.

Ang Mexico ay may pinakamataas na rate ng pagpatay sa mundo na may 17,000 na namatay sa unang kalahati ng taong ito – ang pinakamataas sa kasaysayan ng bansa.

Noong 2015, mayroong 12.6 na kaso sa bawat 100,000 na tao ngunit malamang mas mataas pa ang mga istatistika dahil ang ilan ay hindi nire-report.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?