24

By

Araw para sa Filipino Heritage ginanap sa Washington

Binigyang-papuri noong Linggo, Agosto 25, ng Neely Mansion Association sa Auburn, Washington ang mga kultura at sining ng mga Filipino-American.

Ayon sa Auburn Reporter, namuhay at nagtanim kasi nang 40 taon sa Neely Mansion ang mga Filipino-American, and pamilya Acosta, at mga manggagawang bukid.

Ilan sa mga tinampok na sining at heritage sina Dorothy Cordova, isang tampok na awtor ng mga Pilipino sa Puget Sound, at artista-manlililok na si Noel Bautista.

Nagtanghal din ang Filipino-American Community of Puget Sound Dance Troupe.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?