61
Arado magiging bahagi ng coaching staff ng UE
By

Arado magiging bahagi ng coaching staff ng UE

Kahit graduate na ang multi-awarded na si Kath Arado sa UAAP Season 81, nais pa rin nitong pagsilbihan ang kanyang alma mater na University of the East bilang bahagi ng kanilang coaching staff.

Kinumpirma ng veteran defensive specialist noong Linggo na nag-apply na ito bilang coaching staff para sa Lady Warriors.

“Oo, may resume na ako,” kwento ni Arado.

Sa limang taon sa UAAP, marami-rami na rin ang nahakot na individual awards nito.

Tinanghal si Arado bilang Rookie of the Year noong season 77, Best Receiver para sa Season 80 at Best Digger noong Season 79 at 80.

“Ako nga tagatanggal ng stress ni coach (Karl Dimaculangan),” aniya.

Binahagi pa ni UE athletic director Rod Roque ang magiging role ni Arado para sa Lady Warriors.

“I already recommended her papers to the UE president,” pahayag ni Roque.

“She will be a defensive coach.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?