116
Aquino admin iniugnay din ni ‘Bikoy’ sa droga noong 2016 – Sotto
By

Aquino admin iniugnay din ni ‘Bikoy’ sa droga noong 2016 – Sotto

Idinawit na rin umano noong 2016 ng lalaking nagpakilalang si “Bikoy” ang administrasyong Aquino sa iligal na droga.

Ayon kay Senate President Vicente “Tito” Sotto III, isa sa kaniyang political officers ang nagbigay sa kaniya ng impormasyon na si Peter Joemel Advincula ang siya ring humingi ng tulong sa kaniyang opisina noong 2016 sa pamamagitan ng kaniyang staff na si Hutch Altavaz.

Lumutang sa Integrated Bar of the Philippines (IBP) noong Lunes si Advincula at nagpakilalang si “Bikoy” dahil umano sa banta sa kaniyang buhay at para humingi ng legal assistance.

Sa isang audio-visual presentation, ipinakita ni Sotto ang listahan sa sinumpaang salaysay noong 2016 ni Advincula kung saan iniuugnay sina dating Pangulong Noynoy Aquino, dating Interior Secretary Mar Roxas at dating Justice Secretary Leila de Lima sa sindikato ng droga.

Makikita umanong malaki ang pagkakahawig nito sa “Bikoy” series at saka sa pahayag nito sa IBP.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?