133

Feb 21, 2020 @ 10:30
By

Aprub kaya sa magulang? Esports course sa college, sinusulong

Malapit nang masakatuparan ang childhood dream ng karamihan na kumita sa pamamagitan ng paglalaro.

‘Yan ang target ng Tier One Entertainment founder na sina Tryke Gutierrez at Alodia Gosiengfiao sa kanilang partnership kasama ang Lyceum University.

Bubuo ang Tier One ng curriculum para tuluyan maging course ang Bachelor of Science in Esports.

Ayon kay Tryke ay may dalawang course track ang nasabing programa, pwedeng pagpilian ang game design o eSports management.

“This is a golden opportunity to show our society that gaming is not a waste of time. I’m giving you a heads up that this course is not going to be easy, it’s not going to be just about fun and games,” post ni Gutierrez sa kanyang Facebook page.

Hiling ni Tryke na suportahan ito ng publiko para tuluyang masakatuparan ang nasabing course.

“We’ll do our best to push this industry forward but we need more help. Study hard, train hard. We need you,” aniya oa.

Sa March 4 ay kanila nang ipapasa ang curriculum na 80-percent nang tapos sa Commission on Higher Education.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?