44

By

Appointment paper ni Honasan para sa DICT post lalabas sa Lunes – Sotto

Hindi na umano paaabutin ng Disyembre ang pagtatalaga kay Senador Gregorio Honasan sa Department of Information and Technology (DICT).

Sinabi ni Senate President Tito Sotto III na maaaring lumabas na sa Lunes, Nobyembre 12, ang appointment paper ni Pangulong Rodrigo Duterte para kay Honasan.

Pinag-usapan umano nila ito nina Duterte, Honasan, Senador Panfilo Lacson kaharap si Executive Secretary Salvador Medialdea noong Oktubre.

“It was discussed, napag-usapan na kung pwede November 12 na si Greg,” ayon kay Sotto sa pagtukoy sa matalik na kaibigang si Honasan.

Aniya, kawalan si Honasan sa Senado dahil masipag ito bilang mambabatas pero magiging ‘asset’ naman daw sa DICT.

“Kung tutuusin malaking kawalan si Senator Honasan sa amin sa Senado. You have seen how he handled his committees and how he participates in the debates,” pahayag ni Sotto.

Kung sakali, iiwan ni Honasan ang chairmanship ng Senate committee on National Defense and Security at ng Committee on Peace, Unification and Reconciliation.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?