237

Apple David para-paraan para maka-selfie ang mga NBA star

Hindi nagpapigil ang PBA courtside reporter na i-grab ang opportunity para makapagpa-picture sa ilang mga NBA player.

Sinulit ni David ang kanyang panonood ng live sa Boston Celtics-LA Clippers game kung saan wagi ang koponan ni Kawhi Leonard, 107-104.

Sa kanyang Twitter post, pinakita ni Apple ang kanyang mga selfie kasama sina Boston center Enes Kanter, guard Marcus Smart at young star Jayson Tatum.


Isa pa sa mga kinaganda ng NBA experience ni Apple ay saktong overtime game ang napanood niyang laro.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?