57

By

Apela ng nakakulong na 2 Reuters journalists, ibinasura ng Myanmar court

Mananatili sa kulungan ang dalawang reporter ng Reuters matapos ibasura ng korte sa Myanmar ang apela ng mga ito.

Inaresto sina Wa Lone, 32, at Kyaw Soe Oo, 28, noong December 2017 matapos umanong i-set up ng mga pulis.

Kinasuhan sila sa ilalim ng Official Secrets Act at nahatulan ng pitong taon na pagkakakulong na may kasamang hard labor.

Ang dalawa ay nag-iimbestiga noon hinggil sa Rohingya Muslim at pagkakakulong nila ay dahil sa paglantad sa pagmasaker sa 10 Rohingya men na natagpuan sa mass grave.

Samantala, maaari nang iapela ng dalawa ang kanilang kaso sa Supreme Court ng Myanmar.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?