1,171

By

Anyare? Mga NBA star pinatulan ang non-call kay Durant

Nagulumihanan maging ang ilang mga NBA star sa hindi tinawagang out of bounds play ni Kevin Durant sa laban ng Golden State Warriors at Houston Rockets.

Sa dying seconds ng laro, tabla sa 132 ang laban, isinalba ni Durant ang bola na naging dahilan ng jumper ni Stephen Curry para makaungos.

Ngunit sa replay ay nakitang wala na sa playing court si Durant at nakatapak na sa labas.

Dahil dito maging sina Chris Paul, Joel Embiid at Damian Lillard ay napakomento rin sa nangyari.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?