420

By

Anyare? Harrison Barnes na-trade sa kalagitnaan ng laro

Sa kasagsagan ng laban ng Dallas Mavericks kontra sa Charlotte Hornets, biglang pumutok ang balita na maililipat na ng koponan ang isa sa kanilang manlalaro.

Ayon sa tweet ng ESPN NBA insider na si Adrian Wojnarowski, maililipat si Barnes sa Sacramento Kings kapalit nina veteran Zach Randolph at Justin Jackson.

Naglaro pa para sa Mavericks si Barnes matapos ianunsyo ang trade, tumapos ng may 10 points sa 26 minuto.

Ayon pa kay Wojnarowski, nais ng Kings na mapanatili sa kanilang koponan si Barnes sa kabila ng $25M contract nito sa susunod na taon.

Samantalang posibleng pakawalan ng Mavericks ang 37-anyos na si Randolph na inactive ngayong season.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?