173

By

Anyare? 3 kompanya ni Ayala, niratrat sa social media

Nagsimula sa Manila Water, ngayon ay Globe at BPI – tatlong Ayala-owned company na namumuro ngayon sa problema.

Sa Twitter trending ang tatlo, hindi dahil sa magagandang gawi kundi dahil sa perwisyon binigat nyo sa mga customer.

Unang inanusyo ng Manila Water na posibleng umabot pa ang water shortage hanggang Agosto.

Sumunod naman ang BPI, matapos ang system upgrade na nagpawala sa kanilang serbisyo ng tatlong araw ay nagkaroon naman ng technical glitch dahilan para mabawasan o madagdagan ang kanilang pera sa online banking.

Matapos ay nag-down naman ang data service ng Globe na nakaapekto sa kanilang mga user.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?