36

Feb 28, 2020 @ 15:37
By

Antoinette Jadaone, Dan Villegas engaged na!

Engaged na ang mga sikat na direktor na sina Antoinette Jadaone at Dan Villegas!

Inanunsiyo ito sa Instagram ng kanilang agency na Cornerstone Entertainment.

“Just before the love month ends! Congratulations to the newly engaged couple, our amazing directors @tonetjadaone & @danvillegas ! Love is truly in the air! Greetings from your Cornerstone Family!,” wika ng agency kahapon, Pebrero 27, 2020.


Komento ng isang netizen, ang wedding ring ba ni Jadaone ay “The Arrow With A Heart Pierced Through Him,” na reference sa pelikula ng babae na “That Thing Called Tadhana.”

Sa ngayon, hindi pa nagpo-post ang six year-long lovers ukol sa engagement, ngunit makikita sa huling post ni Antoinette na kasama niya sina Dan at film producer Bianca Balbuena-Liew sa Berlin, Germany.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?