91
Antas ng coliform sa Manila Bay, nabawasan na
By

Antas ng coliform sa Manila Bay, nabawasan na

Patuloy pang bumababa ang fecal coliform level sa Manila Bay kasunod ng mga rehabilitation effort ng pamahalaan para maisalba ang dagat.

Sa isang presscon sa Maynila, inanunsyo ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Secretary Roy Cimatu na nakatulong nang malaki ang pagpapasara sa ilang mga pribadong establisimyento malapit sa Manila Bay gayundin ang pagsasara ng Manila Zoo na nadiskubreng walang sariling sewage treatmant plant kaya diretso sa estero ang dumi nito na tumuloy naman sa Manila Bay.

Sa monitoring ng DENR, hanggang noong isang linggo, malaki na ang naging improvement ng kalidad ng tubig sa dagat dahil sa mas mababang coliform content.

Pero bininigyang-diin ng kagawaran na hindi pa rin ito pasok sa standard na 100 Million Most Probable Number (MPN) para sa recreational activities gaya ng swimming at diving.

Sa pinakahuling laboratory analysis, ang dating 1.33 billion MPN sa area ng Antonio de Abad ay nasa 130 million MPN na lang.

Sa area naman ng Remedios o sa Tapat ng Aristocrat, ang dating 160 million MPN ay bumaba na sa 25.5-million MPN.

Kumpiyansa ang DENR na patuloy pang bababa ang coliform level sa Manila Bay sa pagpapatuloy ng rehabilitasyon sa dagat.

Magkakaloob din ang isang pribadong sektor ng mga sewage treatment plant para sa tinatayang 75 pamilya sa Brgy. 719 na sakop na ng Pasay, na walang maayos na palikuran at nakakadagdag sa dumi ng dagat.

Samantala ayon sa DENR, bahagyang maaantala ang desilting o dredging operation sa Manila Bay dahil ang basura at burak sa seabed na kinakailangang hukayin ay nanigas na sa tagal ng pagkakaimbak ng basura kaya kinakailangan muna itong durugin o publusin para tuluyang mahakot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?