190

By

Anong problema sa transgender? Jasmine Curtis nabanas sa ‘awit may lawit’ rapper

Hindi napigilan ni Jasmine Curtis-Smith na banatan ang isang rapper dahil sa kanta nito tungkol sa pag-ayaw sa mga transgender woman.

Ito’y matapos ilabas ni Erich Bongon, na kilala sa pangalang Young Vito, ang isang kanta tungkol sa isang akala niyang babae, at napag-alamang transgender pala.

“Anong problema mo sa mga magagandang may lawit? Ikaw ata may mali,” ayon sa tweet ni Jasmine. “Mag 2020 na soon, tigilan na yang pagkakitid ng utak pls.”

Burado na ngayon ang nasabing tweet ni Bongon, na pinagpiyestahan sa social media dahil sa transphobic lyrics nito.

“Ang ganda niya pero parang may mali. Noong dumikit meron akong napansin, napakalupit, awit may lawit,” parte ng lyrics ng rap ni Bongon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?