158

By

Anong higpit pa gusto niyo? – Sotto sa pintas ng US gov’t sa NAIA

Umalma si Senate President Tito Sotto III sa kritisismo ng pamahalaan ng America sa Ninoy Aquino International Airport (NAIA).

Sinabi ng Transportation Security Administration (TSA) ng America na hindi sapat ang seguridad sa NAIA kaya naman nag-isyu ng travel advisory o babala ukol dito ang kanilang Department of Homeland Security.

Ayon kay Sotto, sapat naman ang seguridad sa NAIA.

Kuwestiyon tuloy ni Sotto kung ano pa ang gustong mangyari ng pamahalan ng Estados Unidos sa paliparan.

“Mahigpit naman ah! Ano pa ba ang gusto nilang mangyari, “ sambit ni Sotto.

Sa isang pulong balitaan kahapon, sinabi ni Manila International Airport Authority (MIAA) General Manager Eddie Monreal na sinisiguro nila na ligtas ang NAIA.

Ginagawan na umano nila ng solusyon ang mga pinupuna rito na kakulangan gaya ng mga X-ray machine at mas mahigpit na training ng mga kawani at security personnel doon.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?