66

By

Ano naman kung tatay? Austin pinilit na tawagan ng foul si Doc Rivers

Sa larong basketball, walang pami-pamilya.

Ito ang pinatunayan ni Houston Rockets guard Austin Rivers matapos niyang sumenyas na tawagan ng technical foul ang kanyang ama na si Los Angeles Clippers coach Doc Rivers.

Nangyari ito sa fourth quarter ng laban, at ginawa mismo ni Austin sa harap mismo ni Doc.

Sa nasabing laro, wagi ang Rockets ni Austin, 102-93, kung saan nanguna si James Harden tangan ang 47 points, seven assists at six rebounds.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?