40

By

Ano daw? SEA Games mascot mukhang Chinese, siopao, may polio – netizen

Nilabas na ang official mascot para sa 2019 Southeast Asian Games (SEAG) na gaganapin sa Pilipinas sa parating na katapusan ng Nobyembre.

Binansagang ‘Pami’ na hango sa salitang pamilya, ang mascot ay itsurang bilog na nakangiti, makikita rin ang kulay ng bandila ng Pilipinas na pula, asul, puti at dilaw.

Ngunit paglantad nito sa publiko ay umani agad ito ng batikos sa mga netizen.

Ayon kay Jason Park (@jason_without_y), kinuwestiyon nito ang disenyo ng mascot dahil tila wala umano itong parte na nagpapakita ng trait ng isang Pinoy.

Sinabi pa nito na mukha umanong Chinese ang mascot dahil sa mata nito, nilarawan ding mukha itong siopao.

Napuna din ang pagkukulang nito ng isang kamay at hindi pantay na paa.

Hindi lang iisa ang pumuna sa mascot, sa Twitterverse ay pinutakte din ng kritisismo si ‘Pami’.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?