14

Mar 26, 2020 @ 13:56
By

Año: Dapat 12 oras pwedeng mamalengke

Payo ni Interior Secretary Eduardo Año kahapon sa mga lokal na gobyerno, tanggalin na ang window hours para ‘di na magsiksikan ang mga residente habang namimili ng pagkain at iba pang pangangailangan.

“Iyong sa palengke, I am advising LGUs to lift the window hours for marketing/buying [food in the market]. Kasi kung may window hour, pagkukumpol-kumpulin mo lalo ang tao riyan,” wika ni Año sa isang press conference, Marso 25, 2020, ayon sa isang ulat.

“Dapat, 12 hours [na pwedeng bumili ang tao ng essentials], observing social distancing,” dagdag niya.

May mga lokal na gobyernong tinakda ang market window hours mula alas-sais hanggang alas-otso ng umaga, habang may iba na tinakda ito mula alas-otso hanggang alas-diyes ng umaga.

Inaasahang magtatapos ang lockdown sa buong Luzon sa Abril 13.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?