434

By

Ano ako multo? Gretchen gumastos, nag-aruga kay Dani

Kinontra ni Gretchen Barretto ang naging pahayag ng kanyang pamangkin na si Dani dahil tanging ang ina lamang umano na si Marjorie ang nag-aruga sa kaniya noong bata pa.

Sa vlog ni Dani, todo-puri ito kay Marjorie na sinabing ito ang may karapatan na ilakad siya sa aisle sa oras na magpakasal ito dahil pinalaki siya nitong mag-isa.

Sa Instagram live ni Greta, kanyang binalikan ang mga tulong na ginawa para sa kapatid na si Marjorie noong ipinagbubuntis pa lamang nito si Dani.

“When Dani was born, I was about 23 years old. I’d like to refresh everyone’s memory. When Marjorie was pregnant, she lived in my house in Blue Ridge,” ayon kay Gretchen.

“When Dani was born, Marjorie was still living in my house. You know, ang pangit ‘yung babalikan ko ba na ginastos ko ‘to, ginawa ko ‘yan. Ayoko magbilang.”

Maging ang bayad umano sa ospital at sa yaya ni Dani noong ipinanganak ito ay kinarga din ni Gretchen para makatulong sa kapatid.

Lubos aniya ang kanyang pagtangi kay Dani noon lalo’t wala pa siyang anak.

“Dani was the apple of my eye. I didn’t have any children yet. I provided everything, including love and attention. And so did Claudine,” aniya pa.

“Minahal ko si Dani. I thought I was her second mother when she called me ‘mama.’ So, parang ngayon, ‘yung sinabi na, ‘My mom was the only one who’s there for me who raised me alone, on her own,’ ano ako, multo? Ano si Claudine, multo?”

Kaniya ring idinepensa ang ama ni Dani na si Kier Legaspi na sinabing ang tanging pagkukulang lamang nito ay hindi ito mayaman, at si Marjorie umano ang ayaw palapitin ang tatay kay Dani.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?