2,028

Feb 17, 2020 @ 18:17
By

Anne Curtis, hubo’t hubad sa maternity shoot

Nanggulantang sa social media si Anne Curtis nang magbuyangyang ng buo niyang katawan sa kanyang maternity shoot.

Nag-post ng snapshots sa kanyang Instagram si Anne eksakto sa kanyang birthday nitong February 17.

Kita ang walang saplot na si Anne na prinotektahan lang ang kanyang nipples at ‘hiyas’.

“Birthday Suit. I have been so amazed how my body has changed, created and grown a little human being – I can feel her little hiccups, her big kicks in my ribs and squirming around in me every single day. Not too long till my little girl meets the outside world and she will be the best gift I have ever received in my life,” caption ni Anne.

Nakatakdang manganak si Anne nitong buwan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?