137

Jan 14, 2020 @ 13:23
By

Animal shelter binukas sa mga apektado ng Taal Volcano eruption

Humanga ang publiko sa isang netizen na nag-alok ng pansamantalang tirahan at libreng pagkain para sa mga alagang hayop ng mga residenteng apektado ng pag-aalboroto ng Bulkang Taal.

“Kung may kilala po kayo na nangangailangan ng temporary shelter na magaalaga ng kanilang mga pets na apektado ng bulkang taal ay bukas po ang aking kennel para sa libreng boarding at pagkain until such time na maging ok na ang sitwasyon,” wika ni Edsel Paredes sa Facebook kagabi, Enero 13, 2020.

“No one should be left behind. Let us save our pets,” sabi pa niya.

Makalipas lamang ang 15 oras, umani na ang post niya ng 44K reactions, 58 comments, at 55K shares.

Sambit ni Wayne Rigos: “Sana dadami pa gaya nyo master”

Ayon kay Jinky Escalona: “God bless your good heart Edsel!”

Binahagi rin ito ng kanyang pinsan na si Jon sa Twitter, kung saan sinabing matatagpuan ang animal shelter sa Brgy. Kabulusan, Magallanes na malapit sa Tagaytay at Alfonso, Cavite.

Minungkahi ni Paredes na magdala ng mga kulungan at pinakita ang bakante nilang lote sa comments section.

Para sa iba pang detalye, kontakin lamang ang mobile number 0917-117-7717.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?