80

Apr 18, 2020 @ 17:27
By

Animal lover ‘di nagpatinag sa lockdown

Hindi nagpapigil sa banta ng COVID-19 at enhanced community quarantine ang isang animal lover.

Sa post ng animal lover na si Jhec Victoria sa kaniyang Facebook, makikita ang mga larawan ng kaniyang paglilibot upang mamigay ng mga pagkain sa mga pusa at aso sa kalye.

Saad ni Jhec Victoria, marami raw sumisita sa kanila at namemersonal sa kanila kaya paalala niya sa mga ito: “Huwag kayong mainggit kung bakit kami nakakalabas kasi di naman kami nagpapasarap.”

Saad niya pa sa post, tinitiis nila ang mainit na kalsada upang makapagbigay ng pagkain sa mga nangangailangang stray animals.

Humingi ng pang-unawa ang animal lover at nilinaw din nito na mayroon silang permit at na-brief din umano sila sa COVID protocol.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?