398

Feb 13, 2020 @ 22:36
By

Angkas tinaasan ng riders cap

Nadagdagan ang riders cap ng Angkas matapos hindi mapunuan ng JoyRide at Move It ang inilaan sa kanilang slots.

Ayon sa Department of Transportation-Technical Working Group, mula sa 10,000 riders, 20,000 na ang pwedeng makabiyaheng bikers ng Angkas sa Metro Manila.

“Effective today, the unused cap will be redistributed for those ready providers,” saad ni TWG chair at Land Transportation Franchising and Regulatory Board member Antonio Gardiola.

Matatandaang mula sa 30,000 riders para sa pilot testing ng motorcycle taxis, itinaas ito sa 45,000 na siyang pinaghatian ng Angkas, JoyRide at Move It.

Binigyan sila ng tig-15,000 slot pero bigong umabot sa quota ng riders ang JoyRide at Move It kaya ibinigay ito sa mga “ready driver” ng Angkas.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?