44

May 23, 2020 @ 20:21
By

Angkas sa motorsiklo pwede na sa Olongapo

Pinapayagan na ang backride sa Olongapo City basta’t immediate family ito ng rider.

Nitong linggo naglabas ng executive order (EO) si Olongapo City Mayor Rolen Paulino Jr. para pahintulutan ang mga motorcycle rider na mag-angkas ng isa.

Batay sa EO, dalawang miyembro ng pamilya ang maaaring mag-apply para sa “Angkas card” pero bawal silang sabay na i-backride.

Maaari lang din ang angkas kapag magtutungo sa trabaho o bibili ng pagkain at medisina, at magpapagamot.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?