34

Mar 12, 2020 @ 19:26
By

Angkas sa mga pasahero: Magdala ng sariling face mask, alcohol

Nagpaalala ang Angkas sa kanilang mga pasahero na magdala ang mga ito ng sariling mga head cap at face mask dahil sa banta ng #COVID19.

Hinikayat din ng motorcycle taxi company ang mga sasakay sa kanila na magdala ng sariling alcohol o sanitizer.

Naglabas din sila ng guidelines para maging ligtas sa virus ang mga pasahero maging ang biker.

Dapat umanong ipraktis ang social distancing.

Mas makabubuti rin daw na bawasan ang hindi naman kinakailangang pagbiyahe.

Pinaalalahanan na umano nila ang mga biker na palagiang i-sanitize ang kanilang mga helmet at motorsiklo.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?