24
shabu20
By

‘Angkas’ driver, 20 pa swak sa drug buy-bust

Arestado ang isang ‘Angkas’ motorcycle driver na kabilang sa 20 pang drug suspect sa patuloy na isinasagawang ‘anti-illegal drug operations’ ng mga operatiba ng Drug Enforcement Units sa Quezon City, ayon sa ulat ng pulisya.

Sa report kay Quezon City Police District (QCPD) Director P/Brigadier General Joselito Esquivel Jr., ang Angkas driver na si Melvin Manuel, 46-anyos ng Brgy. Don Imelda, ay naaresto ng District Drug Enforcement Unit (DDEU) sa pamumuno ni PSupt Edward Cantano.

Si Manuel ay naaresto dakong alas- 5:40 ng hapon, sa harap ng No. 9 along Saint Mary St., Cubao sa isinagawang ‘buy-bust’ operation ng mga operatiba ng DDEU.

Nakumpiska kay Manuel na kilalang ‘drug pusher’ sa Brgy. Del Monte, Brgy. E. Rodriguez at kalapit na mga barangays, ang siyam na gramo ng shabu na nagkakahalaga ng P61,200 cellular phone, Yamaha Mio Soul 125 at buy-bust money.

Kabilang sa mga nadakip sina Jomar Janapin, alias Empoy, 25; Rafael Agpalo, 49; Stephen Benjamin, alias Kiko, 32; Rico Aranzado, 29; Miko Lalangan, 29; Ronnie Amador, alias Buwi, 41; Benedicto Escala Jr, alias Jojo, 49; Orlando Diala, 23; Julieto Romero, 36; Richlan Villegas, 20; Armando Villanueva, 30; at Marlon Sarmiento, 31, pawang residente ng Brgy. Pasong Tamo.

Arestado din sa buy-bust sina Rodolfo Mananghaya, alias Rudy, 58; Oliver Delos Nieves, alias Embing, 43; Nestor Abayan, alias Jeck-Jeck, 27; Alex Casil, 21, at na-rescue ang 16-year-old na binatilyo. Dinakma din sa buy-bust sina Paul William Bardon, 33; Marlon Calimbo, 27, at Junel Vecera, 23-anyos, kapwa residente ng Brgy. E. Rodriguez, Cubao.

Ang mga naaresto ay nakapiit ngayon sa detention cell ng QCPD habang inihahanda ang kasong paglabag sa RA 9165 o The Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?