116

By

Angelica Panganiban stress na stress sa trapiko ng PH

“So yung buhay natin, kalahating naubos sa kotse, kalahating stressed?”

Maging ang aktres na si Angelica Panganiban ay ‘di na kinaya ang bigat ng trapiko sa bansa.

Naghimutok kahapon sa Twitter si Angge sa walang-kamatayang problema ng mga Pinoy: trapiko.

Nagtaka nga siya kung lumilipad ang mga opisyal ng gobyerno kaya wala silang pakielam at hindi nila ramdam ang sitwasyon.

Maraming naka-relate sa aktres, at siningil nila ang gobyerno na tila walang ginagawa.

“wala naman po tayo choice. ang dami inuuna ng gobyerno na wala naman kwenta. yang traffic na yan hindi na nawala wala sa issue. nababalita sa tv pero di talaga magawan ng paraan. pag sa gobyerno kasi nagwowork walang traffic kasi pinapatabi ng mga alalay nya mga cars,” sey ni @clethcute15.

“Jusme!! Dapat gawing accountable ang mga dapat na nagaayos nyan!,” ani Mau Belmonte.

“walang magawa ang ordinaryng pinoy dahil politiko ang nagpaplano hindi mga specialized urban planners…kahit after 50 years…ganyan at ganyan lang yan…trial & error lang ginagawa,” sabi naman ni @onej_t.

“Saklap no? Bukod sa sobrang traffic na as it is, sabay sabay pa lahat ng construction during the Ber months. Daming roads and lane closures pero walang alternate routes. Tapos yung mga pasaway na nakakadagdag sa bagal ng traffic, hindi pinapansin,” himutok naman ni @Piatch314.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?