104

Mar 31, 2020 @ 18:29
By

Angel, Neil nag-donate ng mga isolation tent sa Gat Andres hospital

“Match made in heaven” na maituturing si Angel Locsin at fiance niyang si Neil Arce dahil magkatuwang ngayon ang dalawa na naghahatid ng tulong sa mga nangangailangan.

Sa Facebook post ng Manila Public Information Office, makikita ang pagbibigay ng soon to be married couple ng dalawang isolation tents sa Gat Andres Bonifacio Memorial Medical Center sa Tondo, Maynila.

Magagamit ang mga donasyong tent ng mga persons under investigation at COVID-19 patient.

Saludo naman ang mga netizen sa kabutihang-loob ng dalawa.

Gina Bustillo Oloresisimo: “Hats off to the couple angel and neil!! God bless both of u..”

Amor Powers: “Thanks you Ms. Angel and Mr. Neil. You both the best.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?