40

Jun 30, 2020 @ 16:22
By

Angel nakipagtalo sa mga netizen

Nakipagsagutan sa mga netizen si Angel Locsin matapos niyang suportahan ang LGBTQ+ community.

“In a world with so much hatred, everyone should be allowed to feel safe & loved. #HappyPrideMonth
#FreePride20,” sabi ni Angel sa post ng poster na nagsasabing proud ally siya ng LGBTQ+ community.

Ilang followers niya ang nagsabing kasalanan ang same-sex relationship.

Nag-reply si @j9y_alfonso ng Bible verse na Romans 1:27, na nagsasabing kaya nagdurusa ang tao dahil sa pagnanasa sa kapwa lalaki at babae.

Sinagot ito ni Angel at sinabing, “@j9y_alfonso As for my knowledge as a christian, ang paulit ulit na binabanggit sa bible is love one another or love your neighbor. Yan ang tungkulin natin sa diyos at kapwa na dapat nating sundin at Diyos lang ang makakahusga.”

Isa pang netizen ang nag-comment at sinabing responsibilidad ni Angel bilang Christian na paliwanagan ang bawat isa at malinaw aniya na nasa Bibliya na kasalanan ang homosexuality.

“@kathrinaalbano so what’s your point? I’m all for equal rights. Why deny them that dahil tingin mong tama ka?” sagot naman ni Angel.

Isang netizen naman na si @lorelieoliveria ang sumang-ayon kay Angel na ang Diyos lang ang may karapatang manghusga ng kapwa pero giniit niya na ang same-sex relationship ay mali pa rin sa mga mata ng Diyos.

Ipinunto naman ni Angel ang panghuhusga ng netizen sa mga miyembro ng LGBTQ+ community.

“That’s not your job. Your job in this world is to love your neighbor. Kaya marami po ang na-tuturn off magbalik simbahan sa mga LGBTQ+ dahil sa mga ganito.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?