2,520

By

Angel Locsin unang Pinay Marvel hero?

Pagkatapos ng Darna, akyat na ba bilang unang Marvel superhero ang Kapamilya actress na si Angel Locsin?

Sa Twitter nag-post ang Marvel comic writer na si Greg Pak ng character design para sa unang Pinay hero ng sikat na franchise, si Wave.

Napansin ni Angel ang gamit na armas nito na may pagkakaparehas sa sandata ni Lapu-Lapu.

Matapos nito, nag-reply naman ang design creator na si Leinil Yu at tila gustong kunin si Angel sakaling magkaroon ng movie adaptation nito.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?