67

Apr 7, 2020 @ 20:34
By

Angel Locsin, tuloy sa pamamahagi sa mga ospital

Walang humpay parin sa pagtulong si Kapamilya actress Angel Locsin sa mga medical frontliners sa bansa na lumalaban sa coronavirus disease.

Nitong Martes, nagtungo si Locsin sa San Lazaro Hospital sa Maynila para ibahagi ang kanilang handog na bed cots at iba pang mga kagamitan.


“Thank you Sir Jim & Ms. Karen of Team Network Fire Department &
Civil Defense Action Group for donating 10 new bed cots for our frontliners sa San Lazaro Hospital. They also donated 16 bed cots and 200 face shield sa Batangas. Thank you mars @iamangelicap for referring them to us🤗 We also want to thank @bekoph c/o Mr. Gurhan Gunal for the 3 inverter refs they gave San Lazaro Hospital. Let’s continue to help each other at kakayanin natin ito👊🏻 #UniTENTweStandPH” caption ni Locsin sa kanyang Instagram post.

Bukod rito, namigay rin ng hygiene kits sa mga frontliners ng Dr. Jose Fabella Memorial Hospital si Locsin.


“Thank you @avonph for donating 500 thousand worth of hygiene products (body wash & toothpaste) 🙏🏻 First batch of Avon products was given to the patients and front liners of Dr. Jose Fabella Memorial Hospital ❤️ Thank you Ms. Ces Francisco of Avon for reaching out❤️ #UniTENTweStandPH”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?