252

By

Angel Locsin pinaiyak ng U2

Hindi naitago ni Angel Locsin ang pagiging fan na fan niya ng Irish rock band na U2.

Nang masilayan niya ang banda sa concert sa Saitama Super Arena sa Japan noong Dec. 4, hindi makapaniwala si Angel, nagsisisigaw siya at nagwala sa excitement.

Buong buhay niya raw kasi na pinangarap na makita at mapanood nang live ang U2.

“Buong buhay kong pinangarap to! Maraming salamat @u2. Mahal kita Bono! Naiiyak ako na nagtatalon ako at wala akong matinong video pero nag enjoy naman ako sa event. Gusto ko lang i-add, yan na yung mga matitino nung lumabas sila, bumaha ang luha ko na iyak bata talaga, lol. Pag tingin ko kay Ms. @eulavaldes, sya rin hahaha!” sabi ni Angel sa post niya sa Instagram.

Nakasama niyang nanood ang ilang kaibigan gaya nina Paolo Paraiso at Eula Valdes, at siyempre ang fiance niyang si Neil Arce.

View this post on Instagram

Thank you U2

A post shared by Paolo Paraiso (@paoloparaiso) on

View this post on Instagram

U2 Tokyo Crew.

A post shared by Paolo Paraiso (@paoloparaiso) on

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?
Tags: ,