92

By

Angel Locsin pasok sa 2019 Asia’s Heroes of Philantrophy ng Forbes

Napabilang si volunteer-activist Angel Locsin sa listahan ng Forbes Asia na “Heroes of Philantrophy” ngayong 2019.

Siya lang at si SM Prime Director Hans Sy ang mga napabilang mula sa Pilipinas.

Kinilala ng Forbes ang pagtulong ni Angel sa mga nasalanta ng mga nagdaang bagyo sa Pilipinas at sa mga serye ng lindol sa Mindanao nitong Oktubre. Tinala rin ang pagsali nito sa Rural Missionaries of the Philippines upang tulungan ang mga naapektuhang Pinoy sa Marawi siege noong 2017.

“Her donations have also helped roughly 500 families hit by some of the country’s largest disasters: Tropical Storm Ondoy in 2009, Typhoon Habagat in 2012 and Typhoon Haiyan in 2013, one of the deadliest storms on record, leaving 6,300 dead,” saad pa ng Forbes tungkol sa edad 34 na aktres.

“After earthquakes hit Mindanao island in October, Locsin donated 1 million pesos ($19,000) and distributed truckloads of relief supplies to affected residents,” dagdag nito.

Samantala, pinagpugayan naman ang pag-donate ni Sy sa Childhaus, isang pansamantalang tahanan para sa mga maysakit na batang taga-probinsya na walang matirhan sa Metro Manila.

“On his 60th birthday in 2015, Sy bought the land for Child Haus’ first location in Manila for $600,000 and paid $1.4 million to build it. Opened in 2017, he still covers its operating expenses. Sy’s associates have become cosponsors and provide Child Haus with additional financial support and in-kind contributions,” lahad ng Forbes.

Pasok din sa listahan ang Indian billionaire na si Azim Premji, Chinese business magnate Jack Ma, at Australian billionaire Judith Neilson.

Congratulations, Angel!

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?