858

Mar 25, 2020 @ 23:35
By

Angel Locsin: Pag-endorso ko kay Koko, mortal sin

Pinagsisisihan umano ngayon ni award winning actress Angel Locsin na binoto at kinampanya niya si Senator Koko Pimentel noong kasagsagan ng eleksyon.

Ito ay matapos umanong labagin ng senador ang quarantine protocol dahil kahit sumasailalim na ito sa PUI o person under investigation ay lumabas at sinamahan pa rin niya ang buntis niyang kabiyak sa Makati Medical Center (MMC) kung saan sa bandang huli ay lumitaw na nagpositibo na rin ang senador sa Covid-19.

Dahil sa tinuran ay di na nakaligtas sa mata ng netizens si Pimentel.

Maging sa thread tweet ng 34-anyos na si Angel ay di naawat at di naitago ng veteran actress ang pagkadismaya sa senador.

Lantaran pa ang naging sagot nito sa tanong ng isang netizen kung pinagsisisihan ba niyang ikampanya at iboto si Koko.

“Do you regret that you campaigned for him then in a tv ad? Voted for him because of you,” tanong ng isang netizen (@HausenDaydream) mula sa tweet.

Bulgaran at agad namang sumang-ayon si Angel na ginawa niya lamang iyon dahil sa ex-husband ito ng pinsan niya ngunit dahil sa nangyari ngayon ay maituturing aniya itong isang `malaking kasalanan,’ sabay hingi ng tawad.

“Yes. Super. Mortal sin. Patawrin nyo po ako bilang ex husband po sya ng pinsan ko,” walang takot na pahayag ng aktres sa kanyang Twitter account (@143redangel).

Magugunitang kinampanya ng actresss si Koko noong 2007 senatorial election.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?