46

By

Angel Locsin, Neil Arce tutulong sa Taal evacuees

Nagbabalot na ng mga relief pack ang celebrity couple na sina Angel Locsin at Neil Arce para ipamahagi sa mga nasalanta ng pagsabog ng Bulkang Taal.


Naispatan ng isang grocery shopper si Arce na nakapila sa cashier, kasama ang ilang kahon ng mga biskwit, noodles, at iba pa kahapon, Enero 14.

Sa Instagram fan account ng couple, makikita ang larawan at video ng pagbabalot nina Angel at Neil, kasama ang mga volunteer, ng mga donasyon.

Unang nag-crowdsource si “Darna” star sa Twitter kung anu-ano ang mga pangangailangan ng mga apektadong barangay sa Taal Volcano eruption.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?