450

Mar 26, 2020 @ 0:07
By

Angel Locsin naglatag ng mga tolda sa pasyente ng Covid

MULING kuminang at nagmistulang anghel sa mga pasyente ng Covid-19 ang award-winning actress na si Angel Locsin matapos itong magpaulan ng tulong sa mga sumasabak ngayon sa nasabing krisis.

Naglunsad ang aktres ng #UniTENTweStandPH kung saan namahagi ito ng sleeping tents sa ibat’ ibang hospital sa Metro Manila maging sa kalapit probinsya bilang tulugan at pansamantalang matutuluyan ng mga Covid patients maging ng mga frontliners.

Maglalagay ng 2 tents na may sukat na 12×24 metro kada ospital si actress-philanthropist Angel. Nabatid na ang presyo ng kada-tent ay P50,000.

Ilang lugar sa mga lalatagan niya ng tolda ay ang mga sumusunod:

  • South City Hospital and Medical Center (Daang Hari, Bacoor City)
  • Las Piñas Doctors Hospital
  • Las Piñas City Medical Center
  • St. Frances Cabrini Hospital and Medical Center (Sto. Tomas, Batangas)
  • UniHealth Parañaque Hospital and Medical Center
  • Binakayan Hospital and Medical Center (Kawit, Cavite)
  • PNP Hospital
    “If this campaign will be a success, we are hoping to reach other hospitals in Luzon and eventually in other parts of the country,” saad ni Locsin.

Kasabay nito ay tinapik din niya ang ilang gustong mag-abot ng kanilang kamay.

“I have avoided asking for financial donations but for now, it is best that we gather more resources and funding to be able to widen the reach, service and sustainability of this project. I would appreciate anything you can offer for this cause to help our fellow Filipinos survive this difficult time.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?