732

Angel Locsin nagka-black eye

Nagulat ang mga fan sa larawan ni Angel Locsin na ipinost sa Instagram kung saan ay makikita ang black eye nito.

“50 shades of black under my eye, na sinubukan kong i-mowdel,” caption ni Angel sa IG post niya.

Humingi ng tips ang aktres sa kaniyang mga follower kung paano mabilis na gumaling ang kaniyang black eye.

“Any helpful tips on how to get rid of a black eye quickly, aside from vitamin C, arnica and ice? I’m proud of my battle scars but this girl gotta work.”

Hindi man sinabi ni Angel kung bakit siya nagkaroon ng black eye ay nilinaw naman nito na hindi ito dahil sa pang-aabuso.

Si Angel Locsin ay gumaganap ngayon bilang Rhian Bonifacio sa action teleserye na ‘The General’s Daughter’.

(Jobelle Macayan)

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?