308

By

Angel Locsin kinilig sa kamay ni Bono

Hindi naitago ni Angel Locsin ang kanyang kakiligan at nagpaka-fan nang makaharap si U2 frontman Bono o Paul Hewson sa tunay na pangalan.

Sa video na binahagi ni ABS-CBN anchor Karen Davila, nakausap niya si Bono, nakamayan at nayakap matapos ang ginanap na presscon sa PH Red Cross headquarters.

Pinakilala ni Karen si Angel kay Bono at sinabing nagtungo pa ang aktres sa Japan para manood doon ng concert ng Irish rock band.

Maiyak-iyak naman si Angel habang hawak ang kamay ni Bono at sinasabing: “I’m Angel Locsin and I’m a big fan.”

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?