194

By

Angel Locsin ‘di sumipot sa ball, rekta ang donasyon sa Bantay Bata

“I think it would be better for me to donate directly to Bantay Bata the amount that I’m supposed to spend in the ball. It’s not much, but will help make a difference to someone else’s life.”

Ito ang pahayag ng aktres-aktibista na si Angel Locsin sa kanyang Instagram kagabi, Setyembre 14, sa kasagsagan ng ABS-CBN Ball 2019.

Maraming fans ang nag-abang sa kanyang pagrampa sa red carpet, subalit mas pinili nitong hindi na pumunta.

Ang malilikom kasing pondo ng nasabing pagtitipon ay ilalaan para sa programang pang-edukasyon ng Bantay Bata 163.

Sa halip, direkta na aniya siyang nagbigay ng donasyon sa Bantay Bata 163.

Pinagpugayan naman ng aktres ang mga kapwa niya artista na dumalo sa pagtitipon.

“I salute my friends at the ABS-CBN Ball who are doing their share to promote awareness on children’s rights and to help the beneficiaries of Bantay Bata 163 get the education that everyone deserves,” ani Angel.

Sa comments, sinang-ayunan si Locsin nina direk Frasco Mortiz at mga artistang sina Neri Naig-Miranda at Joross Gamboa.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?