123

By

Angel ayaw sapawan ang U2

Sa kabila ng kanyang kasikatan, naroon pa rin ang kababaang-loob ni Angel Locsin matapos nitong umiwas na makagawa ng eksena sa presscon ni U2 lead vocalist Bono sa Philippine Red Cross headquarters nitong Martes, Disyembre 10.

Ayon sa netizen na si @Pulitika2010, naupo lang si Angel sa likuran sa halip na sa harap na available naman.

Ayaw daw nitong makakuha ng atensiyon na makakasapaw sa ginaganap na presscon kahit pa celebrity siya at isang Red Cross volunteer.

“You know who was at the presscon of #Bono at

@philredcross as well? Angel Locsin. And she was so unobtrusive. She sat somewhere at the back instead of in front where seats were available. Didn’t call attention to herself even if she is a celeb herself and a red cross volunteer,” tweet ni @Pulitika2010.


Nasa bansa ang Irish rock band para sa kanilang concert sa Disyembre 11 sa Philippine Arena sa Bulacan.

Makibahagi: Ano ang masasabi mo sa balita na ito?